Naramdaman mo na bang maligaw? Yung hindi ka sigurado kung nasaan ka na?? At dahil sa dami ng dinaanan mo eh wala ka ng pakialam at gusto mo na lang magpahinga??
Nandun ako sa punto ng buhay ko ng makasalubong ko ang mga taong magiging parte ng buhay ko hanggang malagutan ako ng hininga. Mga tao na tinuring kong kabiyak ng aking kaluluwa, mga kadugtong ng aking buhay. Mga kapatid sa ibang magulang.
Hindi ko na masyadong matandaan kung ano ang eksaktong panahon ng magkakilala kaming lahat. Alam ko nasa grade 5 o grade 6 ako nung mga panahon na yun. Nagsisimulang matutong humarap sa sampal ng buhay. Naguumpisa pa lang maghilom ang mga sugat ng mga nagdaang taon ng makilala ko sila. Medyo nakaahon na ako sa pagkalugmok at pagkalito at medyo marunong na akong tumayo sa sarili kong paa nun. Nagsisimula na akong maglakbay sa sarili kong buhay. Oo masyadong maaga ng matutunan kong maging magisa. Magisa sa lahat, Sagot ko ang sarili ko, bahala ako sa buhay ko.
Ganyan ang siste ng magkakilakilanlan kami....
Ewan ko ano ang kuwento sa likod ng bawat isa sa kanila nung mga panahon na yun. Ang alam ko lang, una kaming nagkasundo dahil sa paglalaro. Isang parte ng kamusmusan na tila napakahirap iwanan. Nagsimula sa basketball, taguan, pagbibisikleta, at kung anuano pa. At sa puntong yun hindi namin alam na sabay sabay na kaming naglalakbay sa kalye ng buhay.... Magkakasamang nagtatawanan, nagkukuwentuhan, at kung minsan eh pati sa mga walang kabuluhang mga bagay. Napalitan ang mga laro ng pagtambay, panliligaw, inuman, diskusyon, outing, gimik, seryosong usapan,at marami pang iba. Madaming problema, kasiyahan, tagumpay, kabiguan, at mga pangarap ang napagsaluhan naming lahat. Masyadong mabilis ang mga lumipas na panahon at malayo na ang naging paglalakbay namin. Maraming nabuong mga kuwento, Maraming aral ang natutunan namin sa isat isa. Nasanay na akong maging bahagi sila ng buhay ko. At dahil sa tinagal ng aming samahan, naging higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanila. Sila na ang naging pamilya ko, halos sila na ang naging gabay ko sa buhay ko. Dahil sa kanila hindi ako naging magisa, natuto akong buoin at kilalanin ang sarili ko. Nagkaroon ako ng pagasa at muling nangarap. NAtuto ulit akong magkaroon ng pakialam. Nakapagpahinga ang kaluluwa kong malapit na sanang maligaw. At dahil dun hindi ko na magagawang talikuran o iwanan ang mga taong ndaanan ko sa kalye ng buhay kong ito. At dahil sa kanila patuloy pa rin akong naglalakad at naglalakbay. Lumiko man ako at pansamantalang nalayo alam ko sa dulo ng paglalakbay na to eh iisa ang aming pupuntahan. At alam ko na mapagod man akong muli sa dulo magkikita kaming lahat at may mapagpapahingahan ulit ako......
Tuloy ang biyahe..... At ang kalyeng to ang magiging patunay na lahat kami naglalakad pa rin ng sabay sabay
~boybanayad
Wednesday, March 7, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment